Thursday, May 7, 2009
ohkay. so this just happened a while ago (well, a while for me. i think it's may 7, 09, 7:30 in the evening). I'm reading Breaking Dawn and we're just about to eat when suddenly may naramdaman kaming parang nag ground tapos nag spark spark XD. my tita, tita Ex, hurriedly go downstairs to check what had happened. sabi ng mga kasambahay namin na may narinig silang nag spark at grounded sa kabilang bahay, 92 C (since we're 92 B). nataranta kami kasi nangangamoy na plastic. sabi ni insan na may apoy na daw na lumiliyab. kaya nagsitawagan kami sa city hall at ng mga bumbero. pinababa ni tita ex yung bag niya kasi siyempre mga pera nandun. at kahit malakas ang ulan, pinalabas kaming lahat at pinapatay ang ilaw. we have no idea kung ano ang nangyayari sa kabilang bahay kasi patay lahat ang ilaw. sabi nila na wala daw yung amo o yung anak ng amo (kasi americana eh.). kaya hinintay naming lahat sa labas na dumating yung mga bumbero. mahigit ISANG ORAS ang lumipas bago dumating yung mga bumbero. May mga nakikiusyoso na rin siyempre sunog. tinawagan na din yung may ari at sinabing pupunta na daw siya. mahigit isang oras na din ang lumipas bago dumating ang may ari ng kabilang bahay (townhouse kasi-dikit dikit siya.). sabi nila ang cause daw ng sunog ay isang plastic flower vase. nagstart yun sa may kusina at dahil nga malakas ang ulan may tumutulo tulo din sa may kusina. eh may saksakan dun ng kuryente na nabasa nga dahil sa ulan. at siguro dahil nagspark nga ay natamaan yung plastic flower vase kaya yun ang sanhi ng sunog. may mga nakaimbak din daw na mga papel dun. as in a pile of stupid papers. buti nalang naagapan kaagad yung apoy at hindi kaagad lumala. kasi yung 4 na bahay na townhouse eh ang isa nun ay mahigit 4MILLION pesos. sayang naman yung pera ni tita ex. siyempre natatakot din siya kasi matagal na din niyang pinagipunan to. then after that, she warned us. everyone of us. na kapag may nakasaksak daw na cord na hindi naman ginagamit e.g. computer, tv's, radio, tanggalin daw ito sa pagkakasaksak. delikado nga naman pag nagoverheat. sabi nga nila "DI BALE NANG MANAKAWAN WAG LANG MASUNUGAN!" agree ako! XD haha. well, pagkatapos nun mga 9:30 na kami kumain. then nag midnight snack pa kami. bumili sila sa mcdo XD. nagsigutom din naman kami nu. tapos nabasa pa kami sa ulan kasi sira yung payong X haha. well, for me this is a near-death experience. rare lang mangyari saamin to. kaya sana hindi na maulit.Labels: near death experience
Environmentalist Blogged:9:26 AM
Post a Comment